weeeeeeee.... ka excited-an na talaga.... para akong bata.
very busy pa itong week na ito kaya ang saya saya hahaha...
yesterday, I joined a free salsa/cha cha dance class here at work. 2x a week yun, every lunch time for 1 hr. bale every tues and thurs sya pero this week wed and thurs gagawin kc ang daming nag off nung inauguration ni Pres. Obama. so anyways, ayun na nga, hiya hiya pa ako kahapon, pero it was alright naman pala, not all them knew the dance steps yet so ok lang ako. hihihi. It was fun, really fun. Aaminin ko, hindi kasi ako marunong sumayaw what with my two left feet and being really uncoordinated. Grabe. Nung bata kasi ako, sinasabihan ako ng mga kapatid ko na ang tigas daw ng katawan ko, so nagka phobia na ako sa dancing na yan. Kainis mga sisters ko noh... hehehe. Pero syempre nitong nakilala ko na ang husband ko, eh mahilig sya sumayaw so medyo para maging happy lang sya, I try my best para maki join sa mga sayaw sayaw. Pero talaga, hindi ako makasabay sa beat ng tugtog. Pero yung mga cha cha na yan, ok lang sakin, kc hinahawakan the whole time ng asawa ko yung kamay ko, hihihi.
So anyways, ayun na nga, I survived my first lesson and I'm coming back today. It was really fun and if you really try to move your body and follow the steps closely, pagpapawisan ka talaga. Pinawisan ata ako sa kaka turn na yan at nahilo...
Sana I can keep this up na, being active, I mean. Sawa na akong mataba, gusto ko nang mag short shorts and sleeveless shirts.. hahaha... nangarap na noh...
Anyways, yun nga mamaya may class ulet ako, then tomorrow may free trial ng yoga/pilates class, try ko rin sya for 30 mins lang yun. Tapos tomorrow night meron din kaming belated Christmas dinner sa Italian restaurant for work, buffet yun, sana masarap yung food. :) Be Happy diba.
So, baka pagbalik na lang namin ulit ako mag po post dito. Enjoy your days, enjoy your loved ones. Yan lang ang lagi kong advice sa inyo. Life is short. Always love and show it like there's no tomorrow.
Peace.